top of page

MSREDMONSTER

The Wattpad Profile.

A HIDDEN BITCH

 

Charity Francisco, kilalang perfect girl sa Independence Highschool. Maganda, matulungin, mabait at masipag; hinahangaan sya ng lahat. Pero ang hindi nila alam, si Charity ay isang hidden bitch. Isang taong nagpapanggap lamang sa mga paningin ng nakararami. Ngunit, isang tao ang dadating sa buhay nya, isang taong akala nya, simpleng panggulo lang sa storya pero ang totoo, may ibang pakay din pala. Makakaya kaya ni Charity kung ang akala nyang sarili nya ay hindi rin pala sya?

A ONE NIGHT LOVE

 

Infatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime “crush” nyang si Lazarus Temprosa. Maaalog ang mundo ni Heather sa pagdating ng umagang hindi nya makakalimutan, ang paggising sa isang kama katabi ang crush nyang si Lazarus with the confirmation na may nangyari sa kanila; a one night stand. Ikasasaya kaya ito ni Heather? Paano na kung ang inaakala nyang Lazarus ay taliwas pala sa hinahangaan nya?

TWO SOULS IN A BODY

 

Ang buhay ay isang sugal. Ang araw araw ay isang pagtataya ng buhay na ibinigay. Para kay Crescent Nicole Salvador at Gregoria San Juan, ang buhay nila ay isang paglalakbay na walang katapusan. Buhay na palaging may bukas. Pero, paano nalang kung isang aksidente ang babago sa pananaw na iyon? Paano kung isang aksidente ang magpapakita sa kanila sa tunay na kahalagahan ng buhay? Sa kanilang kuwento, isa ang mamatay habang ang isa ay mabubuhay. Ngunit, ayon sa nakatakda, ang dapat na namatay ay dapat pala na nabuhay at ang nabuhay ay dapat pala na namatay. Isang misyon ang uusbong,isang anghel ang mangugulo, dalawang kaluluwa ang magsasalitan at isang katawan ang gagamitin para malaman kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang dapat mabuhay lalo pa’t pareho na silang nagkaroon ng pagkakataong patunayan ang kanilang kahalagahan. Sundan ang kanilang misyon, buhay, pang-gugulo at love story. Sa isang kuwentong magpapakita ng tunay na kahalagahan ng buhay, ng pamilyang palaging nandyan, ng mga kaibigan na hindi matutumbasan at ng isang pag ibig na walang hanggan.

THE ULTIMATE MAN HATER

 

Kakampi ng bawat babae, kaaway ng bawat lalaki. Sabi nila, masarap daw ang magmahal. May insprirasyon, may motivation, may kakaibang “push” sa lahat ng bagay. Kahit na sinong taong single, gustong maexperience ang love. Almost. Paano kung isang babae ang babago sa perspektibo ng bawat isang tao about love. Na hindi natin kailangan ang romantic love. Na at all times, being single equals happiness. Lahat ng babae ay makikinig sa kanya. Lahat ng lalaki ay kamumuhian sya. Dahil iisang tao lang ang kayang magbigay ng matinding pagrarason na “Love is nothing but a waste of time”. Handa ka bang makinig sa mga payo nya. Nakahanda ka ba na magbago at maging single sa buong buhay mo dahil sa kanya? Ito si Jessica Misteryo, ang nag iisang the ultimate man hater. At ito ang kanyang kwento.

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page